Saturday, November 24, 2012

Dejavu | …a never ending love…


Inspiration :3


Actually, story ‘to ng love life ng classmate ko. Adorable kasi ako kaya napa-amin ko siya kung sino yung crush niya  :P tapos ayun kinuwento na rin niya yung nakaka-kilabot na love story nila ni “R” doon sa dream niya. Nakaka-kilabot kasi match yung panaginip niya sa tunay na mga pangyayari! Kaya ayun sa sobrang amazement ko, ginawan ko ng story. Mas kinilig pa kasi ako kesa sa kanya eh! -__-

*lahat ng pangalan ay iniba ayon sa rights to privacy ng classmate ko. (ayaw niya kasi mabuko) *Ang pagkaka-pareho ng pangalan at pangyayari ay purely coincidence lamang.

*hoy classmate! Dalian mo! Baka maunahan ka ng ibang babae at maging forever taken na ang boylet mo! Sayang naman tong katha ko para sa inyong dalawa! Ginalingan ko talaga ang pagsusulat ah! Dinescribe ko talaga yung ugali niyang pagiging adik sa DOTA but still nakaka-pasa and stuff! :P Good luck sa inyo!

*to my readers, I hope you’ll enjoy this story!
 
 
 

WHEN I FIRST MET YOU

 
Bree, sa akin ka nalang. Di kita iiwanan.”
Hay… Eto na naman siya. Ang lalaking walang mukha na lagi nalang laman ng panaginip ko. Ewan ko nga eh, parang feeling ko, matagal ko na siyang kilala. Pero, kahit naman paulit-ulit lang ang panaginip ko, eh hindi ko talaga masilip man lang ang mukha ng prince charming ko. Ay, hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako nga pala si Sabreena Marie’ Sanchez, a junior at White Lake High, 16, Philippines! Chos! Haha kimi lang. Hmm… gusto ko na siyang makita/makilala. Ang hirap naman kasi ng face-less ang dream boy mo eh.
“Hoy Bree!”
Anak ng tokwa naman oh! Nagulat ako dun ah! Istorbo talaga tong si Jess! Best friend ko siya since kinder kaya may K siyang mang-asar kasi alam niyang kahit anong galit ko, di ko siya matitiis. Mahal ko kaya ang bruhang to!
“Oh Jess, eh anong problema mo? Gusto mo bang magka mini-heart attack ako?”
Ayaw niya sigurong makagraduate ako ng HS kaya papatayin nalang ako sa sindak. Tsss! Luma na yan! Poser! Palabas yan ni Kris eh!
“Hmm… eto naman, parang tinawag lang kita! Oh, ready ka na ba na ma-meet ng personal ang bagong school mo?”
Kahit kailan talaga, shunga tong si Jess. Ma-meet ng personal? Ano to tao? Minsan talaga, sarap batukan eh!
“Ay naku SOBRA, excited na nga ako eh!”
Sarcastic kong sinabi. Pero partly namang totoo yun eh. Medyo excited na rin naman akong lumipat sa new school ko. Si Madam Principal kasi, siya ang butihin kong tiyahin. Kaya naman, since always away ang parents ko sa business nila, they convinced me to stay with my aunt.
                “Ganun naman pala eh! Tara, let’s go na, baka ma-late pa tayo niyan.”
                o.O bah! Akalain moh? Di niya nadistinguish and sarcasm sa hindi? Alang kwentang bespren! Tss!
                Nakarating naman kami ng maayos sa White Lake High. Tae, kala ko maeexcite ako eh ang gloomy ng campus nila. Or, yun ang first impression ko.
                Parang napansin naman ni Jess na nagbago ang mood ko.
                “Ano ka aba! Mas exciting dito sa school namin. Tiwala lang.”
                Kaya ayon. I used my cheerful personality muna. Sypempre naman, newbie eh. Kakahiya naman kung ipapakita kong bored ako, edi nagkagulo.
                We went to the bulletin board and found our names. Hooray! Classmate ko si Jess! At least, hindi na awkward. So, with the class admission slip in our hands, we went to our classroom. Malapit lang naman eh.
                Sa katunayan, nasa 4th floor lang naman kami. -______-
                Jess! Pwede pahinga muna tayo! Puhleeeaasse?! Magkaka arthritis ako kaagad neto eh!”
                “Hindi yan! Tiwala lang!”
                Yun na naman? Ano, word of the day ba toh, o ano?
                To make the long story short, nakarating narin kami sa room.
                Sa wakas. -______-
                Okay class, I’m Ma’am Charo and I am your adviser.”
Ayy! Taray!
 “Alam kong magkakakilala na kayo since freshman year, so no need to introduce.”
                Umm, haler?! Bree here! Bago ako, duh?! o.O
                Ayy! Oo nga pala, we have a new student. Come here hija, let’s get you acquainted.”
                Hi everyone! I’m Sabreena Marie’ Sanchez, 16. I’m new here so please be nice to me.
                Yun lang, and gave them a big grin. Haha ‘Please be nice to me’. LOL I’m such a dork! :P
                Napabungisngis naman si Jess sa narinig. Kahit kalian talaga.
                Nag start na ang klase. Ang bait ko talaga! Nakaupo lang ako, nakatingin sa chalk board. Pero ang layo naman ng iniisip ko. Haha
Nakatingin lang ako sa bintana nang…
o.O  Ang G-W-A-P-O niya!!
He was tall, clean, had black shiny hair, and incredibly handsome.
He seemed nice.
Exactly my type. \(>_<)/
And it felt like I’ve met him before.
Aigoo!
Never mind! He is in a hurry naman. Tas pumasok siya sa room na katapat namin.
Oh! Sodesuka! Senior pala siya.
Late siya. Hihi
Ang aga niyang pumasok para sa 2nd period. :P
“Ms. Sanchez, nakikinig ka ba?”
Yes ma’am!
Yun lang, and after a few minutes, nag bell na.
Off to cafeteria...
Jess and I just sat there and ate. Nang biglang dinumog ako ng mga classmates namin. Haha. Akala ko naman, di nila ako nagustuhan kaya walang nag-greet sakin. Tumi-tyempo lang pala sila. Ayun na  nga, nagpakilala na sila at ako naman eh sinikap na imemorize yun J bait ko kasi eh. Haha laki ng ulo! :P
Excuse me.
Napalingon ako.
This is my seat.
Oh God. Parang tina-tambol ang dibdib ko!
It’s him!
Para naman hindi ako mapahiya, nakipag sagutan pa ako. Bad Bree, soo bad!
Bakit? Sayo ba tong school? May pangalan ba ang upuang toh? Sino ka ba ha?
Parang nahiya naman ako sa mga pinagsasabi ko. Hihi. Pero andito na eh. Pangangatawanan ko nalang ang pagiging echosera. Isa pa, baka mahalata niyang type ko siya. :P
Kumunot naman ang noo niya na parang di makapaniwalang hindi ko siya kilala. Then he smirked. Na-offend ako dun. Akala ko pa naman gentleman siya.
That *ssh*l*.
Well, I’m Travis Lim. Don’t you know me? You must be new here!
Oo naman noh! Bago ako dito kaya maging mabait ka! F*gg*t!
Hila naman ng hila sakin si Jess para tumayo na. Mababakas sa mukha niya ang takot.
Shouldn’t you be going already?
At may pagka antipatiko pala toh eh.
I guess, we better get going then. We shouldn’t really sit amongst crazy people!
Sabi ko sabay padabog na umalis hila-hila si Jess.

You were but a dream…


Nakaka-inis ka naman! Naturingan pa naman kitang bespren! Tss! Di mo manlang ako pinag tanggol doon sa senior nayun! Sino ba kasi yun at takot na takot ka?

Bigla kong sigaw sa kanya nang masiguro kong malayo-layo na kami sa cafeteria.

Si Travis Lim. Matalino at athletic kaya sikat na sikat yan dito.

Matalino nga, eh salbahi naman!

Oy! Mabait kaya yun! Kaya nga naging Student Council President yan kasi model student eh.

Eh?! Bat ang sama-sama niya kanina?

Oh?! Nangyare?!

Nahuli kasing nagdo-dota, kaya first time niyang bumisita sa Guidance Counselor. BV siguro.

Aha! Adik pala yun eh! Ako din naman eh! Na BV ako sa kanya! Grr!

Psh!

May tinatago palang kabulastugan toh eh! Akala mo kung sino. Tss!

Teka bat ba ako naiinis sa kanya?!

Pero in fairness, para ngang kilala ko na siya eh. Yun nga lang hindi ko talaga siya kilala. -____-

Halika ka na nga! Balik na tayo sa room!

Isip-isip lang ako sa mga nangyari kanina at kung bakit parang kilala ko na ang Travis na yun kahit hindi naman talaga. Kaya eto, di ko namalayan na labasan na pala.

BREE!!! HELLO?!! ANDYAN KA PA BA SA KATAWAN MO?!

Si Jess talaga! Nabibingi naman ako neto!

Bakit ba sumisigaw ka?!

LABASAN NA PO KASI MADEMOISELLE! KANINA PA KITA KINAKALABIT PERO AYAW MONG MATINAG!!

Oo nga naman. Ano bang gagawin mo pag di ka marinig? Syempre sisigaw diba?

Bree talaga.

OO NA! WAG KA NANG SUMIGAW!!

Naglakad na kami papuntang gate.

Sakto namang nakita ko si Mang Luis, yung driver ko. Hatid-sundo lang kasi ako. Bawal kasi akong mag commute. Keso daw mawawala ako. Blah blah blah.

Jess, sasabay ka ba sakin?

Hindi na, may sundo naman ako. Buhbye!

Okay! Bukas nalang uli!

Pagka-uwing, pagka-uwi ko sa bahay, diretso agad ako sa kwarto.

Okay naman ang first day ko sa bagong school ko diba?

May asungot nga lang -_____-

Pero, okay lang naman talaga.

Gwapong asungot naman eh! :P

1 text message received

From: Bestie Jess

Bree okay ka lang ba?

Kumusta na ang first day mo, ha?

Xoxo

 

Shunga to eh! Dapat tinanong nalang niya sakin sa school. Dapat ba sa text? Ganun na ba ang uso dito sa kanila?

From: Bree

                Okay lang -____-

                Medyo boring

pero masaya na nakaka-inis!

 

From: Bestie Jess

                Ooooyy aaahh!!!

                Dahil ba yan kay Travis? :P

Eh anong magagawa ko? Eh sira talaga tong bespren ko eh!

From: Bree

                Che!

Ewan ko sayo!

From: Bestie Jess

                Hahahaha

                Huli ka!

                Mga ganun pala ang type mo ah!

Hay ewan ko! Di na ako nag-reply ano! Alam ko naming pagti-tripan lang ako nun hanggang sa mapagod siya sa kakatawa. Jess naman eh!

Nahiga na ako sa kama.

Dahil ba talaga kay Travis?

Sino ba talaga siya?

May point naman kasi si Jess eh.

Hay ewan.

Nakatulog ako ng di manlang kumakain.

 

KRRIIIIIIINNNNGGGGG!!!!

5:00 AM

Di ko maintindihan pero, napanaginipan ko na naman yung dati ko ring panaginip.

Alam mo yung dejavu?

Nakaka kilabot nga eh.

Ever since nalaman kong magta-transfer ako ng school, nag start naman yung weird dream ko na yun.

May kinalaman ba yon doon?

Anyway, kailangan ko nang pumasok sa school. Baka ma-late pa ako. Magalit pa si auntie >_<

 

Getting to Know You…


A few weeks passed.
After noong nangyari sa cafeteria, di na ulit kami nag-usap.
But nalaman ko naman na mabait pala talaga siya.
As in.
Model student nga eh.
Bree naman. Wag tayong tanga.
Model student din naman ako ah :P haha
Actually, ni-recruite ako ni Jannice a sumali sa Student Council.
Pumayag naman ako. Para kasing cool eh. haha
Patingin-tingin nalang ako lagi sa kanya.
Ayaw ko namang lumapit, tsaka, bakit naman diba?
Eh sikat kaya yun!
Tapos, idagdag pang hindi kami bati dahil sa nangyari.
Parang tanga lang ako ditong naka-upo sa may garden,
Nakatitig lang naman.
Teka, bakit ba ako nakatitig?
Aigoo! May gusto na ba ako sa kanya?!
Di pwede! Paano nalang yung guy sa dream ko? Di ko ba siya hihintayin?

Have we met?

 
Travis’ POV
Late na naman ako.
Kainis naman kasi ang traffic.
Napasarap din ang laro ko nang DOTA.
Bwisit naman kasi at nahuli pa ako ni ma’am.
Ayan tuloy nagka record ako ng di oras sa Guidance Office.
“You may leave now Mr. Lim. Again, heed my warning. You are a role model in our school.”
“Yes ma’am.”
Yun nalang ang sinabi ko para wala nang madaming gulo.
Umakyat na ako ng building at pumasok na sa room.
 Ang balita sa room namin, dito na daw nag-aaral yung pamangkin ni Madam Principal Sanchez.
Oh? Talaga?
I really don’t care.
Basta ang nasa isip ko lang eh yung babaeng yun.
Yung babae sa panaginip ko.
Saka ko nalang iku-kwento para ma-excite naman kayo.
Boring….. ang klase naming.
Since, advance na naman ako sa kanila, di na ako nakinig sa discussion.
BV kasi ako ngayon. Tss. Paminsan-minsan nga lang ako mag DOTA. Nahuli pa.
Bell na pala.
Nauna na ako sa cafeteria at bumili ng pagkain.
Pagdating ko sa table ko, may nakaupo na pala doon.
And I can’t believe who she is.
Hindi pwede toh!
Baka imagination ko lang to?!
But no…
Siya nga yun.
Lumapit ako sa kanila at nag-excuse me.
Nung tumingin naman siya sakin, napa nga-nga ako ng bahagya.
Siya nga, yung babae sa panaginip ko.
I composed myself and told her na pwesto ko ang inuupuan nila.
Para namang nagulat siya and nairita all at the same time.
Galit na galit niyang tinanong kung sino ba ako?
Napakunot ang noo ko.
Bat di niya ako kilala?
Diba siya yung girl sa panginip ko?
Ay oo nga pala. Syempre, panaginip lang yun.
Well, siya siguro yung sinasabi nilang newbie.
I smirked sa katangahan ko then nagpakilala at tinanong kung siya ba yung napabalitang newbie.
For confirmation lang naman.
Ang cute niya pag galit >_<
Haha I didn’t mean to make her angry.
Di ko lang talaga natagalan yung presensya niya eh.
Diba nga, kilala ko siya sa panaginip ko, tapos ako di niya kilala? o.O
Nanggigigil na kasi ako na sabihin sa kanya na matagal ko na siyang hinahanap.
Pero syempre, awkward yun kaya sinuggest kong umalis na sila nong kaibigan niyang halatang natakot sakin.
T_T ayaw ko naman siyang umalis eh. Kaya lang..
Baka mahalata niya.
Weird yun!
Kaya naman deadma ko lang siya lagi this past few days.
Pero syempre, kunwari lang yon.
Lagi naman akong nakatitig sa kanya pag di niya napapansin. xD
Nahihiya akong makipag-close sa kanya eh.
Nakikita ko din naman siyang nakatitig sakin so parang nate-tempt akong lapitan siya. Lalo pat, student council na rin siya – lagi na kaming mag-kasama :3
Pero, nauumid ako pag andyan siya.
Itatanong ko pa ba sa kanya kung siya nga ?
Di ko na talaga alam.
Maybe in time.
Yet, I think I like her so…
Bree.
Napatingin lang siya sakin.
Her hair, fell perfectly on her shoulders.
Yung parang slow-motion.
Ganun.
Yay! Ang keso! xD
Hm? Ako ba ang kausap mo?
Sagot niya habang namamanghang nakaturo sa sarili niya.
Bakit? Anong naka-mamangha sa pakikipag-usap ko sakanya?
Eii! Bree naman eh! Ang cute niya talaga.
Ah, yes. Ikaw nga. J
Gusto ko sanang humingi ng tawad sa inasal ko a few weeks ago.
I was just having a bad day. I’m sorry. L Can you ever forgive me?
Sinabi ko naman yun in the most sincere way na kaya ko.
This is the first time na nagkaganito ako sa isang babae.
Di ko nga alam but I always seek to please her.
Kahit hindi niya alam.
Siguro dahil sa feeling ko siya na nga yung .. ah basta!
Ah, yun ba? Wala yun. Ako nga dapat mag-sorry eh!
Pasensya ka na talaga. Shall we start again? I mean, as friends… you get the idea.
Ano ba yan. Mali na naman yung sinabi ko.
Yeah! I’d love that!
Iniabot ko ang kamay ko sa kanya.
Friends?
Friends!
Pero, imbes na makipag hand-shake eh…
Yinakap niya ako o.O
At kinilig naman ako -___-
Na-feel kong naging alangan siya bigla at bumitiw sa akin.
Ang pula niya.
Blush ba? :P
 *hanggang dito lang po muna. :P excited talaga te? haha kinukulit na kasi ako ni Ms. Ano! hahah KALMA LANG TEH!
 

No comments:

Post a Comment