Nanaginip ako, laganap
ang kahirapan, noo’y tag-gutom, wala nang isdang mahuhuli sa dagat, nagtatago
sila, pinaparusahan tayo sa pagkamatay at pagkasira ng mundo nila.
Sa labing anim na taong
ipinalagi ko sa mundong ito, hindi pa nawala nang pangmatagalan ang isda at iba pang seafoods sa aming hapag
kainan – pritong isda, paksiw , sinigang, tinolang isda, escaveche, adobong
isda, baked fish, fish with free washing machine, fish with screw driver, fish with love, etc.
Sa isda palang ay napaka dami nang pwedeng gawin upang matugunan ang ating
pangangailangan. Idagdag pang isa itong kabuhayan.
Ang blessings na ito ay
hatid sa atin ng Diyos at dahil sa location
ng ating bansa, na may ideal na breeding grounds tulad ng coastal mangrove plants,
na kung saan maaaring mag spawn ( mag-mate)
at manirahan ang mga isda. These mangroves protect them, and help
provide for our needs – which also ensure that their species continue on for
generations to come.
But for the last 12
years we have slowly experienced scarcity in this specific resource – and we
always blame the government for this. But before we continue to do that, let us
look back to what has been happening to our dear sea creatures below, from 12
years ago.
Lets take a trip down
to the marine world. Kung isasama natin si Dora, siguradong maibibigay niya
satin ang mga information kung bakit unti-unti nang nawawala ang mga isda at
mga sea creatures sa baba.
Ilan sa mga ito ay ang
coral reef degradation o unti-unting pagkasira/pagkamatay ng mga corals,
increasing pollution of coastal mangrove plants na kung saan nalalason at
namamatay ang mga mangroves na siyang isa pang tirahan ng mga fishes,
deforestation in watershed areas, algae bloom, over population, mga parasites,
Moro Ami, cyanide fishing, dynamite fishing, toxic wastes na tinatapon sa
dagat, oxygen depletion na dala ng
climate change na siyang nagdudulot ng fish kills .
Ang mga problemang ito
ay paulit-ulit na sumusulpot sa nakalipas na labing-dalawang taon. Masasabi pa
nga nating, may posibilidad na hindi ito nawala. Pero bakit? Bakit ito
nangyayari? Nakaka-bobo mang isipin, ngunit, bakit nga ba kahit na anong gawin
nating paglilinis at pangangalaga ay hindi ito mawala-wala? Are you not worried
sa walang katapusang kalbaryo na dala ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin,
dahil sa papa-kaunting supply nito? Lalo pat, mahigit kumulang 7 billion na ang tao sa mundo?
Kahit sabihin nating
ang mga tindera sa mercado ay nagtataas ng presyo dahil sa sariling kapakanan,
hindi natin sila masisisi sapagkat, sa panahon ngayon, pahirapan sa panghu-huli
ng isda at mahal na mahal...... ang bigas.
Ang sagot ay disiplina.
Discipline in fishing – taking the adults and letting their babies go, using
the form of fishing with the least side effects, and in our turn, keeping our environment,
especially our marine resources clean, safe and bountiful.
Ayon pa sa kasabihan,
maliit na butil man ay nakaka-puwing rin. Which implies that lahat nang ginawa
natin at gagawin pa lamang, mabuti man o masama ay malaki ang nagagawang epekto
, hindi lang sa environment, kundi pati na rin sa atin.
Nanaginip ako, laganap
ang kahirapan, noo’y tag-gutom, wala nang isdang mahuhuli sa dagat, nagtatago
sila, pinaparusahan tayo sa pagkamatay at pagkasira ng mundo nila. Hihintayin
mo pa bang mangyari ito, o kikilos ka Pilipino?
No comments:
Post a Comment